Deliveries only within Metro Manila. Batch 2 orders ongoing until July 16.

Tours Brochure ng San Sebastian Basilica (Filipino)

Tuklasin ang San Sebastian Basilica

  • Natatanging istruktura sa Pilipinas na ganap na gawa sa bakal
  • Idineklarang National Cultural Treasure
  • Idineklarang National Historical Landmark
  • Unang Dambana ng debosyon ng Nuestra Señora Virgen del Carmen sa Pilipinas

Matatagpuan sa makasaysayan at makulay na distrito ng Quiapo sa Maynila, nagbukas ang Basilica noong 1891. Pitong mga nasyonalidad ang nagtulong-tulong sa konstruksyon ng Neo-Gothic na simbahag ito na pagmamay-ari ng mga paring Recoletos.

Ngayon, nagtutulong-tulong din ang iba’t ibang mga eksperto sa conservation para sa restoration ng simbahan.

Maaari ninyong suportahan ang proyektong ito sa paraan ng tours! Sumali sa isa sa mga official na Basilica Tour o di kaya naman ang community-based Bukas Quiapo Tours.

 

Basilica Tours

Explore to Restore! Ito ang official na tour ng Basilica na layuning ikwento ang pananampalataya, sining, kasaysayan, at pag-aayos ng simbahan. Ang inyong tour fee ay ang inyo ring donasyon para sa restoration.

Duration (Tagal): 1 – 1.5 na oras

Wika: English at Tagalog

Mga Highlight sa Tour

  • Tour guide mula sa restoration team
  • Access sa coro (choir loft), attic, at bell tower
  • 360-degree na view ng Maynila mula sa bell tower


Full Admission
(tour ng first floor, choir loft, at bell tower)

 Regular Php 200
Students, Senior Citizens, PWDs Php 160

* Ang student discount ay para lamang sa mga estudyante hanggang undergraduate level ng college
Kailangang mag-presenta ng mga valid ID ang mga Student, Senior Citizen, at Persons with Disability (PWD) upang makakuha ng discount

Private Tours at Technical Tours

Interesado sa private o technical tour ng restoration? Maaari kaming i-contact sa Foundation para sa karagdagang detalye. Inaanyayahan ang lahat na mag-reserve muna ng schedule.

Mag-book ng Tour ng Basilica

I-contact lamang ang Foundation para sa direktang pagproseso ng mga reservation o sa mga karagdagang tanong.

 

Bukas Quiapo Tours

Tuklasin ang Basilica at ang mga kapitbahay nitong mga heritage site sa paraang magdudulot ng “positive change” sa distrito ng Quiapo. Ang Bukas Quiapo Tour ay ang unang “community-based” na heritage tour kung saan imbitado ang lahat na maranasan ang mga tanyag sa Quiapo.

Ang programang ito ay sumusporta sa 12 lokal na partner, kasama na ang mga tour guide at mga negosyo na tumutulong sa amin sa bawat tour.

Ang Bukas Quiapo Tour ay inihahandog din ng Fundacion Santiago, Inc.

Mga Highlight sa Tour

  • Mga tour guide na galling mismo sa Quiapo
  • Kumpletong lunch at iba pang food tasting
  • Mga entrance fee, van transfer, at donasyon sa San Sebastian

 

Regular Group Tours

Duration (Tagal): 4 – 4.5 na oras

Wika: Filipino

Schedule: Naka-post ang mga ito sa aming Facebook page

 Regular* Php 1,700
Promo price (2 or more pax) Php 1,500

 *Kailangang mag-presenta ng mga valid ID ang mga Senior Citizen at Persons with Disability (PWD) upang makakuha ng 20% discount.

 

Private Tours

Interesado sa isang tour na mas akma sa inyong schedule o sa inyong wika? I-contat lamang ang Bukas Quiapo para sa quotation at iba pang mga detalye. Inaanyayahan ang lahat na mag-reserve muna ng schedule.

 

Mag-Book ng Tour ng Quiapo

I-contact lamang ang Bukas Quiapo Tours para sa mga reservation at iba pang mga katanungan.

 

Address

San Sebastian Basilica, Pasaje del Carmen, Quiapo, Manila, 1001

 

Papunta sa Basilica

Sa pamamagitan ng pribadong kotse o taxi

Paki-input ang "San Sebastian Basilica" sa Waze o sa Google Maps. Minsan din itong tinatawag na "San Sebastian Church".

Sa pamamagitan ng Light Ral Trainsit (LRT)

LRT Line 1 - Mula Doroteo Jose station, mag-transfer sa LRT Line 2
LRT Line 2 - Mag-exit sa Legarda station. Magtungo pa-norte papuntang Casal St. Kumanan sa Bilibid Viejo St., kung saan makikita kaagad ang Basilica.

 

Opisyal na mga Payment Option

  • PayPal
  • Bank of the Philippine Islands (BPI) online banking o direct deposit
  • In cash sa Foundation office

Bisitahin ang official Facebook account ng Foundation para sa mga update.

Back